Droga

   Sa panahon natin ngayon droga na siguro ang isa sa mga malalang problema ng ating pamahalaan at ng ating bansa. Maraming tao ang gumagamit nito, mapababae o lalaki man, maski na din ang matatanda at lalong lalo na din ang mga kabataan. Sila ay patuloy na naaakit sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.


   Ang droga ay isang mapinsalang bagay ika nga nila. Sapagkat ito ay nakakasamaa ating katawan at kalusugan, Naapektuhan din nito ang ating pagiisipt at lalong lalo na, nasisira din nito ang ating buhay.

 

   Sa bansa natin halos hindi mo na mabilang ang mga taong gumagamit ng droga kung kaya’t ang ating bagong pangulo na si Rodrigo Duterte ay nagsagawa ng isang kampanya upang tuluyang mapuksa ang droga sa ating bansa. Ito ay tinatawag nilang Project Tokhang o Oplan Tokhang. Ito ay kanyang ipinatupad noong nanunungkulan pa lamang siya bilang mayor sa Davao City. Masasabi nating ito ay naging matagumpay sapagkat pumang-apat ang Davao City sa pinakaligtas na siyudad sa buong mundo. Sa pagpapatupad niya nitong kanyang kampanya naging talamak din ang mga patayan sa iba’t ibang lugar. Lagi itong laman ng mga balita sa telebisyon, radyo, dyaryo at iba pa. .


Ang droga ay salot sa ating lipunan. Totoo naman talaga. Maraming mapipinsala ito kung patuloy itong lalaganap. Kung kaya’t sana ay mapuksa na ito ng ating pamahalaan. Ang ipinangako ng ating bagong pangulo na sa loob ng tatlo o anim na buwan ay tuluyan ng mapupuksa ang mga gumagamit ng droga. Sana ay magawa nila ito at hindi lang sila puro salita at pangako.

Comments

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Salamat sa impormasyon na yong na ibahagi.

    ReplyDelete
  3. Salamat sa impormasyon na iyong ibinahagi

    ReplyDelete
  4. Nadagdagan ang aking kaalaman at madaling maunawan ang gusto mo iparating sa iyong mamababasa

    ReplyDelete
  5. Salamat sa ating pangulong duterte na ma puksa ang droga dito sa pinas salamat sa impormasyon

    ReplyDelete
  6. Maganda ang iyong blog maraming mapupulot na aral, madali din maunawaan at malinaw, salamat sa Impormasyon

    ReplyDelete
  7. Salamat sa iyong blog nato ay nadagdagan ang aking kaalaman tungkol sa droga

    ReplyDelete
  8. Maganda ang pagkaka gawa,nag kaayon ang ideya sa tamang pag kaka sunod sunod

    ReplyDelete
  9. Salamat sa impormasyon, meron na akong na dagdagan na impormasyon tungkol sa druga

    ReplyDelete
  10. Dapat mawala ba ang drogang ito para wala nang mga buhay ang masisira nito at lumiit na ang mga krimen sa ating komunidad.

    ReplyDelete

Post a Comment