Droga
Sa panahon natin ngayon droga na siguro ang isa sa mga malalang problema ng ating pamahalaan at ng ating bansa. Maraming tao ang gumagamit nito, mapababae o lalaki man, maski na din ang matatanda at lalong lalo na din ang mga kabataan. Sila ay patuloy na naaakit sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ang droga ay isang mapinsalang bagay ika nga nila. Sapagkat ito ay nakakasamaa ating katawan at kalusugan, Naapektuhan din nito ang ating pagiisipt at lalong lalo na, nasisira din nito ang ating buhay. Sa bansa natin halos hindi mo na mabilang ang mga taong gumagamit ng droga kung kaya’t ang ating bagong pangulo na si Rodrigo Duterte ay nagsagawa ng isang kampanya upang tuluyang mapuksa ang droga sa ating bansa. Ito ay tinatawag nilang Project Tokhang o Oplan Tokhang. Ito ay kanyang ipinatupad noong nanunungkulan pa lamang siya bilang mayor sa Davao City. Masasabi nating ito ay naging matagumpay sapagkat pumang-apat ang Davao City sa pinakaligta...